Published in the Angelenean Pioneer’s Piola, 2009-2010 Literary Folio
Angeles University Foundation
Walong sinag ng araw na naglalagablab.
Napapaligiran ng tatlong bituing tanglaw.
Mga dayuhan ay dumating at nasilaw,
Mga dakila’y ‘di ka hayaang mabihag.
Perlas ng Silangan ika’y maituturing.
Ngunit bakit nababalutan ka ng dilim?
Dilim na dulot ng kulay pula at itim,
Unti-unting nahulog sa banging malalim.
Kumusta na nga ba ang iyong mga anak?
Sila ba ay kumakain pa ng maayos,
O sila ba’y nagsimula ng maghikahos?
Kung gayunman, ano na ang ‘yong binabalak?
Nagtatalo na sila, ‘di mo ba napansin?
Bakit nga ba gustong makalamang ng iba?
Mga taong sa kapangyariha’y masiba,
Ano nga ba ang meron sa pang-aalipin?
Sa bawat gabing dumadaan aking pansin,
Pilit mo man pigilan, ika’y lumuluha.
Iyong mga turo’y mistulang nawawala,
Sa kabuktutan sila kaya’y magigising?
Bien is a software engineer for more than 10 years, focusing on Microsoft .NET technology. He developed solutions ranging from embedded systems to accounting systems. He spends his free time trying to understand the world and its people.